(This is a tribute for Engr. Mon Ramirez written by Judy Taguiwalo in August and September of 2021. Photo by Efren Ricalde.)
Natuwa kaming lahat na makilala ang Tatay ng Arkibong Bayan bilang UPAA Distinguished Alumni for Social Cohesion. Di lang namin naintindihan ang kategorya ng social cohesion. Sabi ni Mon sa kanyang usual na humor – “social cohesion through class struggle.”
Pagpupugay sa Makabayang Siyentista at Inhinyero
Di kami nag-abot ni Monram bilang aktibista sa UP Diliman noong 1960s. 1966 graduate na siya sa UP, 1965 ako pumasok at naging aktibista bandang huling kwarto ng 1968 o unang kwarto ng 1969.
Sa pagkatanda ko di rin kami nagsama bilang mga bilanggong pulitikal sa Ipil Detention Center sa Fort Bonifacio. Pareho kaming nahuli taong 1973 pero Marso 1974 na ako inilipat sa Ipil sa panahong laya na si Mon.
Noong bumalik na ako sa UP bilang guro at sa panahon ng internet- una noong mga email at mula 2009 sa Facebook- mas nagkakilala kami ni Mon.
Makikilala ko ang kanyang pamilya. Social worker din si Bing, ang kabiyak ni Mon at kakakapit bisig niya sa mahabang panahon ng kanyang aktibismo. Magkatuwang silang dalawa sa pagpapalaki sa mga anak na si Karl at si Kris, sa pagtanggap ng may pagmamahal sa kanilang mga in laws na sina Marion at Ping at sa pagmamalaki sa dalawang apong sina Elian at Hugo.
Mga members kami nina Mon at Bing ng exclusive Seniors Club na nagkikita kita lang kapag birthday ng aming Presidente cum Supremo, si Mike Araullo na isa rin engineering graduate ng UP at mahal ni Carol. Libre kasi ang pananghalian o meryenda basta bahala kami sa cake.
Sa UP ,noong Faculty Regent ako nang 2009 at pagkatapos ng aking termino nang 2010, mas naging regular ang talastasan namin ni Mon. Aktibo siya sa mga aktibidad ng kanyang frat na Beta Epsilon tulad nang rehabilitation ng lagoon. Alam kong founding member siya ng Agham, CPU at POWER pero mas sa pagcover niya pa sa mga kilos protesta sa loob at labas ng UP para sa Arkibomg Bayan ang karamihan sa aming palitan ng mga links, larawan at mga pahayag. Sa palagay ko isa ako sa maraming inpormal na koresponsal ng Arkibo at ilan din sa mga kuha ko ay naisama sa bonus tracks.
Mahaba ang paglilingkod ni Mon sa bayan. Mula nang tinalikuran niya ang mga oportunidad sa malalaking korporasyong bukas sa kanya dahil napakahusay niyang inhinyero hanggang sa panahon ng kanyang paging Lolo, malinaw ang mahigpit na pagyakap at pagsapraktika niya sa prinsipyong ang siyensiya ay dapat nagsisilbi sa bayan at sambayanan at sa prinsipyong simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka.
Mamiss namin ang iyong imaheng naka green shirt, puting buhok at bitbit na camera sa mga pagkilos at mga forum. Pero manatili kang inspirasyon sa lahat ng nagmamahal sa bayan at nakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya.
Mataas na saludo Monram!
Ilang Alaala kay Mon Ramirez na ang galing ay inialay sa bayan
Noong 2008, sentenaryo nang pagkatatag ng Unibersidad ng Pilipinas, nagpalabas ang UP Alumni Association (UPAA) ng slogan na “UP ang galing mo!” Dinugtungan ito ng mga aktibista at ginawang “UP ang galing mo, ialay sa bayan.”
Si Ramon Ramirez ang isang patunay ng isang iskolar ng bayan na inialay ang kanyang galing at buhay sa bayan. At nakakatuwa na kinilala ito ng UPAA noong 2011.
Paano nagawaran si Mon Ramirez ng UPAA Distinguished Alumni Award for Social Cohesion noong 2011?
Nagpalabas ang UPAA ng panawagan para sa nominasyon sa 2011 Distinguished Alumni Award na bukod sa dating mga kategorya na public service, good governance, poverty alleviation and human development, peace and social cohesion, gender equality or women’s empowerment, at iba pa ay magbibigay sila ng espesyal na paghahanap para manomina ang mga “unsung alumni achievers—those whose achievements in little-known corners of the country are exceptional but have remained unheralded and unrecognized.”
Noong 2009, hindi man lang naisama si Monra sa 100 Outstanding Alumni Engineers ng College of Engineering kung saan siya nagtapos noong 1966 ng Electrical Engineering, naging number 1 sa 1967 EE board , naging political prisoner ng dalawang beses at inialay ang galing niya sa siyensiya at inhenyero para sa mamamayan. Inisip namin na kailangan mapaparangalan si Mon para sa gayon maipapakita na hindi masusukat ang kahusayan ng isang UP graduate sa yamang naipon o sa posisyon sa malalaking kumpanya at pamahalaan kundi sa paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng paglaban sa tiraniya at pagsuporta sa mga komunidad ng mga maralita.
Sa pakikipagtulungan kay Lisa Clemente, kaprobinsiya ni Mon, kay Divina na misis ni Mon, sa mag-asawang Karl at Marion at kay Giovanni Tapang, naipon namin ang mga rekisitos sa nominasyon at naisumite ito nang hindi nalaman ng nominado.
Nang napili nga si Mon at ipinaalam sa kanya ng UPAA, laking gulat niya at naghanap kung sino ang nagnomina sa kanya.
Heto ang sulat niya nang nalamang kami nga ang nagnomina sa kanya. At dahil si Mon nga siya kaagad niyang naugnay ang award para sa pagsusulong pa ng gawain.
Judy,
I had already sent this email to my Betan brods, appended, when I checked again the email and saw your email addy on the CC. Although it is past midnight now, I instantly recalled that Lisa requested for my CV weeks ago and like a good soldier (he he) I complied. Kayo ba ang nag nominate sa akin? At hindi joke ang natanggap kong email from the UPAA office?
At any rate, kung totoo ang UPAA award na ito, makakatulong ito sa pagsulong ng trabaho natin, like kapag ipinakilala akong speaker sa mga forum sa power rates, pwedeng idagdag na UPAA2011 Awardee kahit wala namang kinalaman ang award sa kaalaman and competence to talk about the power rates issue. He he. Timing sa Bicol regional forum on power na iniskedule ng mga kasama doon.
Mon
Natuwa kaming lahat na makilala ang Tatay ng Arkibong Bayan bilang UPAA Distinguished Alumni for Social Cohesion. Di lang namin naintindihan ang kategorya ng social cohesion. Sabi ni Mon sa kanyang usual na humor – “social cohesion through class struggle.”
Nang pinag-usapan na ang kailangang ihandang mga larawan at memorabilia na idisplay sa araw ng parangal, ganito ang ibinahagi ni Mon:
Pinili ko ang mga photos for prop effect. Wala nga akong makitang photo ko na may AGHAM banner sana. O CPU para ma prop ang mga orgs natin, kaso di ko nakukunan ng photos ang sarili ko. May alam akon ilang kumukuha pero mabusisi pang magrerequest sa kanila.
Kung may table for memorabilia, dalawang items lang ang ilalagay ko sa table: ang plaque for Arkibong Bayan at ang KMP silver anniv art work na hiningi ko sa kanila.
Ganoon ang pagpapahalaga niya sa mga organisasyong progresibo.
Nagalak din sa parangal ng UPAA ang maraming brods ni Mon sa Beta Epsilon, ang kanyang fraternity na kanyang minahal at pinagpatuloy ang ugnayan sa mahabang panahon ng kanyang aktibismo.
Heto ang ibinahagi ni Mon na palitang sulat sa kanyang mga brods:
From his fraternity: “It was agreed upon to raise some financial assistance for Mon Ramirez to continue his award-winning social work for the country and his services to our fraternity.”
From a brod: “I pledge $100 for Ramon Ramirez’ fund, however it is called. Although I have had some ideological disagreement with him in the past, the causes he has espoused have always been in service to his disadvantaged countrymen and his UP fraternitywhich I wholeheartedly support.”
From Mon:
That is much appreciated but let me put things in their proper perspective.
I live within my means. I receive a total monthly allowance of P3,000 from two NGOs of which I do technical consultancy work, mostly on power and other utilities. In addition, I receive a monthly SSS pension of P2,500. Both sources total P5,500 from which I pay for my DSL subscription of P1,200 (which is very important to my work), my share in the household expenses and fare and other incidental expenses when doing work outside the house, including having nice hot coffee with friends and colleagues at Mr. Donut or elsewhere once in a while.
On the other hand, I have always wanted to get a new CANON camera. The camera that you gifted me with more than 3 years ago is still operational but it has been repaired twice and lacks some automatic operation, and no video mode. The DVD writer that brod ……gifted me in 2004 frequently fails now to read many DVDs. The camera and the DVD writer are the two items that are very useful for me in my work for www.arkibongbayan.org, AGHAM and of course for Beta Epsilon.
Therefore, it would be a fine thing if the BEFAA brods can gift me with these two equipment which would be of much help in my work. They can buy the items there, or they can send the fund here and I buy the camera and DVD drive here, which has the advantage that the warranty can be worked on here. The fund can therefore be called by some other name, like Equipment Upgrade Fund. I think this is better because calling it “Mon Ramirez Assistance Fund” is liable to be misinterpreted one way or the other since we know that not a few brods, including some resident brods, do need assistance.
Bukas sa kanyang mga brods at sa mga kasama ang napakasimpleng pamumuhay ni Monra at sa talastasang ito, kongkreto kung paano pinakasya ang napakaliit na pension mula sa SSS (kaya nga masugid na sumusuporta si Mon sa panukala ni Neri Colmenares na P2000 dagdag sa SSS pension) at maliit na allowance mula sa kanyang serbisyo sa dalawang NGOs. At tipikal rin kay Mon na ang tulong na tatanggapin niya ay kaugnay pa ng kagamitan para sa Arkibong Bayan.
Paano hindi natin pagpupugayan ang isang Mon Ramirez, “professional engineer, turned amateur photographer “ (kanyang pagsalarawan sa sarili), na ang buhay ay nakakawing sa pagmamahal sa bayan kaya ang galing at kahusayan sa siyensiya, at inhenyero ay inialay sa bayan.
Saludo Mon. Saludo!
Postscript: Bago pa naging isyu ang China at West Philippine Sea sa panunungkulan ni Duterte, may komentaryong galit nagalit na si Mon noong 2007 sa panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo:
1. In 2005 PH (GMA/JDV) opened the seismic survey of the West Philippine Sea with China and Vietnam (who both had the technology) to map out oil and other mineral resources in the area. This was the Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) initiated by PH, and which covered even PH territory, undisputed area, totalling 284,000 square kilometers.
2. In 2007 the 3 countries got their shared data data on oil and other mineral resources in the area, including those in PH territories.
China is making a permanent presence in the area, especially in the disputed areas And so with Vietnan, who both have military installations in Spratly Islands together with Taiwan, Malaysia, Brunei. Everybody is claiming it as its territory, with China as the most aggressive at the molment.
Why did the PH leaders, GMA, JDV et al, propose and collaborate with the Chinese and Vietnamese in mapping even our own resources? Tawag sa kanila : traidor, sin verguenza!
Ramon P. Ramirez,
BSEE’ 66