(Balita mula sa NNARA-Youth)

Naglunsad ng protesta sa tapat ng Camp Aguinaldo ang iba’t ibang progresibong organisasyon sa pangunguna ng BAYAN, bilang pagtutol sa pinakamalaking Balikatan Exercises sa kasaysayan na magsisimula ng Abril 11.

Ang gaganapin na ehersisyong militar ay bubuuin ng 17,600 pinagsanib na bilang ng mga sundalong Amerikano at Pilipino. Nagpapakita lamang ito ng patuloy na panghihimasok ng U.S. na magdudulot ng tumitinding atake sa mga magbubukid, pambobomba ng mga komunidad nila, pagtigil sa produksyon, at tigil palaot naman sa mangingisda.

Kasabay ng panawagan sa pagpapatigil sa Balikatan Exercises ay ang pagpapalayas sa mga tropang Kano, mga pwersang militar sa kanayunan, at pagbabasura sa mga di-pantay na mga kasunduan ng U.S. at Pilipinas, gaya na lamang ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Visiting Forces Agreement (VFA).

Mariin din nilang kinukundena ang marahas at iligal na pag-aresto sa dalawang kabataan at estudyante, na nakiisa sa protesta sa US Embassy, at sa apat pa na paralegal na rumesponde sa Manila Police Station 5 kaninang madaling araw.

Bilang mamamayang tunay na may paninindigan para sa ating pambansang soberanya at kalayaan, panawagan ng mga kabataang nakikiisa sa uring magbubukid, palayasin ang mga militar sa kanayunan at gayundin ang mga sundalong Kano sa ating mga lupain at karagatan!

ATIN ANG PINAS! U.S. LAYAS!

 

By arkibongbayanph

Arkibong Bayan is not just a simple repository. Before there was intense use of social media around the world, Monram through Arkibong Bayan digitally shared the vibrant stories of valiant struggle of the Filipino people (and the world) for human rights, peace, justice, democracy, and freedom.