(This essay is from a Facebook post by Menchani Tilendo, her tribute to the late MonRam.)
Para sa mga tulad kong nasa mas batang henerasyon ng mga aktibista, ganito kita gustong maalala, Ka Mon.
Unang beses kitang nakita sa mangilan-ngilang mga pagkilos at presscon na inorganisa namin sa UP, noong nasa STAND UP pa ako at nagsisimula pa lamang matutong maging isang mass leader, student activist na kailangang magsalita sa events.
Nagtataka talaga ako kasi sa hilera ng mga myembro ng media na nag-cocover ng events, laging may isang namumukod-tanging matanda, pero japorms na japorms, nakashades, at may dalang digicam. Di ko alam dati eh kung aabutan ko ba ng press release o ano. haha! Hanggang sa napag-alaman kong isa palang mahusay na aktibista si Ka Mon.
Topnotcher ng 1967 Electrical Engineering board exams, mahusay na engineer, at inalay ang talino at galing sa paglilingkod sa bayan. Sabi ko ibang klase pala to. Bibihira ang mga topnotchers na pinipiling mag-alay ng husay at talino para sa movement.
Lagi kang nakangiti pag nagkakadaupang-palad tayo sa mga malalaking pagkilos, cultural nights, o ano pa mang forum at event. Tinawag mo na akong ‘Emcinee’ imbes na ‘Menchani’ kasi kamo lagi akong nag-eemcee ng events. Tapos madalas, kumukuha ka ng litrato at ipapadala mo sa akin sa FB messenger.
Inspirasyon ka sa akin ka Mon, yung passion sa pagkuha ng litrato, pagbuo ng archiving ng mga pagkilos sa pamamagitan ng initiative mong Arkibong Bayan, kapugay-pugay po. Yung lakas na ginugol mo sa aktibong pagsama sa mga laban – mula noon pa mang bago ang Martial Law, ibang klase.
You wore different hats, hindi makukupot sa iisang salita o identifier ang mga ginampanan mong papel sa maraming mga kasama. Ano pa man ang mga ito, sigurado akong lagi kang may puwang sa puso naming lahat. You have touched our lives in more ways than one.
Lagi akong magiging taga-hanga ninyo. Rest in Power, MonRam!
Menchani Tilendo (left), author of the essay. Photo of MonRam by Efren Ricalde. Tilendo’s photo from h