Sa loob ng limang taon ni Duterte bilang Pangulo, 56 na manggagawa na ang pinaslang at may 32 na nananatiling nakakulong dahil sa gawa-gawang mga kaso. Sa ngayon, nagpapatuloy at tumitindi ang panunupil ng estado sa mga manggagawa sa porma ng panghihimasok sa mga unyon. Pilit na binubuwag ang mga grupo at unyon at sinisikil ang kanilang batayang karapatan sa pag-oorganisa at pakikipag-ugnayan.
Samantala, patuloy na naghihirap ang sambayanan dahil sa palpak na tugon sa pandemya. Habang lumolobo ang bilang ng kaso ng Covid-19, dumarami ang mga Pilipinong nagkakasakit at nawawalan ng mahal sa buhay. Milyun-milyon ang walang trabaho at nagkukumahog na makahanap ng pagkakakitaan.
Bukas, Setyembre 21, sa paggunita ng pang-49 na anibersaryo ng Martial Law, kumilos tayo upang ipamalas ang ating kolektibong lakas at ipanawagan ang pagwawakas ng pasistang pamumuno ni Duterte! Huwag na nating hayaan manatili si Duterte sa pwesto sapagkat mangangahulugan lamang ito ng mas marami pang bilang ng mga buhay na mawawala.
Masang anakpawis, magkaisa!
Duterte, terorista, korap, wakasan na!
September 21, 2021
1:30 PM | Carriedo (near LRT station)
4:00 PM | Liwasang Bonifacio