IBASURA ANG QUO WARRANTO NI CALIDA

Stand With CJ
March 22, 2018

Todo na ang pagbuhos ng administrasyon na ito ng lahat ng posibleng paraan para mapatalsik si Chief Justice Sereno sa Supreme Court. Lahat ay gagawin nila para hindi na sumailalim si CJ Sereno sa impeachment dahil alam nila na kapag umabot na dito, magmumukha lang silang mga tanga. Pero kung tutuusin, wala rin naman silang napagtagumpayan sa lahat ng mga propaganda nila laban kay CJ.

Kinain lang lalo ng inggit ang mga Associate Justice na nagbenta ng prinsipyo’t mga paniniwala nila na sina De Castro, Bersamin at Peralta kahit na sila mismo ang nanguna para siraan si CJ Sereno sa mga hearing.

Walang napala ang mga pa-“Red Monday” na inorganisa ni Midas Marquez para manawagan sa pagbaba sa pwesto ni CJ Sereno. Naglaho na naman ang pangarap niya na ma-appoint ni Digong bilang Associate Justice dahil sa kapalpakan ng propaganda niya.

At ngayon, sisiguruhin natin na maibabasura rin natin ang Quo Warranto na inihain ni Solicitor General Calida laban kay CJ Sereno. Klarong klaro naman na ang intensyon nito ay para tuluyan nang patalsikin si CJ Sereno at hindi na paharapin sa tamang proseso.

IMPEACHMENT LANG ANG MAKAPAPAGPATALSIK SA PWESTO KAY CJ SERENO. WALANG IBANG PARAAN.

Takot na takot lang ang mga grupong ito dahil mapapatotohanan na ang mga kasinungalingang inimbento nila para masiraan sa publiko si CJ Sereno.

Protektahan ang hudikatura!
Protektahan ang katotohanan!
Protektahan ang hustisya!
Protektahan ang demokrasya!

IBASURA ANG QUO WARRANTO NI CALIDA.