Palangga Ka Namon Tita Inday

by Judy Taguiwalo
Read at the BAYAN Tribute to Lourdes “Inday” Jalandoni de la Paz
30 June 2018

I am from Negros Occidental and the Jalandonis are from Silay but I met Tita Inday because of Marcos and his martial law. I initially got to know her not as Louie’s and Bern’s sister or Coni’s beloved sister-in-law nor the wife of Tito Ding but as a comrade and a sister in the anti dictatorship struggle.

As a member of WOMB, Women for the Ouster of Marcos and Boycott, Tita Inday together with the other brave and passionate women of WOMB visited me and Inday June in Camp Crame in 1984 until the ouster of Marcos in Feb 25, 1986. As we all know, the ouster of the Marcos dictatorship did not put an end to the exploitation and suffering of our people.

Inday continued to be active in the mass movement which stood up against the successive regimes from Cory to Ramos to Estrada to Macapagal Arroyo and Aquino. In many of the mass actions in Makati along Ayala Avenue, she would be there with Tito Ding. I would see them walking on Paseo de Roxas towards Ayala holding hands. And the two, together with Tito Bernie and Tita Baby, would join us in the various alliance formation meetings or fora held at Quezon City Sports Club or in UP.

By the time Duterte came into power, Tita Inday was already frail but we all know that she would have joined the Movement Against Tyranny and #BabaeAko #LalabanAko if she were stronger.

Kung walang forever sa pwesto sa gobyernong Duterte, may forever sa pagmamahalan ni Tita Inday at Tito Ding. Minsan natanong ko kung paano nagkakilala ang dalawa. Yung original na sinulat ko bago sa parangal na ito ay “sorry hindi ko na matandaan ang kwento ng pagkakakilala pero alam kong basketball player si Tito Ding sa UST at si Tita Inday sa St Scho at alam kong kahit sa Marikina noon nakatira si Tito Ding, walang barrier, walang balakid para dalawin niya ang nililigawang Inday sa Maynila.

Ngayong umaga nakausap ko ang mas mga batang kapatid ni Tita Inday si Bern at Louie. Si Bern ang magkwento na putakte ng manliligaw si Inday pero nang makilala niya si Tito Ding, na sumabit sa isang manliligaw, hapay na ang iba pa. Nalulungkot tayo sa pagpanaw ni Tita Inday. Malungkot tayo pero ipinagdiriwang din natin ang kanyang buhay at pag-ibig.

Tita Inday lived and loved , together with Tito Ding, with quiet passion and service. We were happy to be part of the 50th wedding anniversary of the two. There was so much joy and so much love in that celebration. This love of Tito Ding and Tita Inday embraced not only each other, or their children and family but included us in Bayan, the organization, and of course, bayan, the beloved country.

We will miss you Tita Inday, your quiet strength, your beauty, your generosity. Whatever you did, you did with love. Rest in power Tita Inday our sister and our comrade in struggle. Your life and your love will serve as an inspiration to all of us as we continue to serve the people.

Palangga ka gid namon.

 

 

Parangal Kay Lourdes (Inday) J. De La Paz at Pakikidalamhati sa Pamilya

ni Joma Sison at Julie de Lima
Binasa ni Carol P. Carol P Araullo
Hunyo 30, 2018

Nais naming lumahok sa parangal ng BAYAN kay Ka Inday, Nagpapaabot kami ng papuri sa kanya na maigsi dahil sa limitadong panahon.

Nagpapaabot din kami ng pakikidalamhati sa kanyang buong pamilya. Kaugnay ng pagkilos nina Ka Louie at Coni sa Pilipinas at sa labas ng bansa, nakatagpo namin si Inday nang maraming beses at nakilala namin ang karakter niyang malumanay, matalino at matulungin at nalaman din namin mula kay Louie at Coni at mga kasamahang nakakilala sa kanya na siya ay matatag at magiting na makabayan at rebolusyonaryo.

Siya ay militanteng lumalahok sa mga kilos masa at angkop na proyekto ng BAYAN at GABRIELA. Laging handa siyang kumilos at tumulong sa abot ng kanyang kakayahan. Napansin din namin na siya ay matibay na inspirasyon at salalay ni Louie sa ibat ibang yugto ng kanyang buhay. At kung ano naman ang atas o pakiusap ni Louie, isinasagawa niya ito nang masinop at mabisa. Nakatulong siya sa pagsulong hindi lamang ng kilusang makabayan at rebolusyonaryo sa loob ng Pilipinas kundi rin sa pagpapaunlad ng internasyonal na solidaridad.

Maraming importanteng kinatawan ng mga partido, organisasyon at kilusang kaugnay ng NDF sa ibat ibang bansa ang nakarating sa Pilipinas dahil sa pagsalubong, pagpapatira, pag-alaga at paggabay sa kanila ni Ka Inday. Dahil sa kanya, nakarating din sa Pilipinas ang abogado ng NDF Bernard Tomlow at brodkaster na Kor Al para mangalap ng impormasyon at mga testimonya sa pagtatanggol sa aming mga karapatan sa Olanda laban sa paratang na terorismo.

Sa tulong ni Ka Inday at ng BAYAN, naging matagumpay ang misyon nina Tomlow at Kor Al. Minamahal si Ka Inday ng maraming kasamang nakakilala sa kanya. At nagkakaisa tayo lahat sa kanya sa pagmamahal at paglilingkod sa bayan, laluna sa mga inaapi at pinagsasamantalahan.

Mananatili ang kanyang alaa-ala sa ating puso at diwa. Patuloy na maging buhay na bahagi ng kilusang pambansa demokratiko ang kanyang pagkilos at mga ambag.

Mabuhay ang alaala ni Ka Inday!
Mabuhay ang mga prinsipyong ipinanindigan niya!
Mabuhay ang kilusang itinaguyod niya!