Josephine Lapira

A Giant Among Us

Josephine Lapira

Josephine Lapira

Josephine Lapira

Masakit Mawalan ng Anak

Totoo po na masakit para sa isang magulang na mawalan ng anak na matagal mong inalagaan at inaruga, na sana nga ay may magandang kinabukasan sa propesyong kaniyang tinatahak, pero dapat din po nating isipin sa malaliman na kasalanan ng lipunang Ito na kinandili ng mga sinaunang magulang na mas piniling magsawalang kibo at tanggapin ang kalunos lunos na kalagayan, na siyang pinagsisikapan ng mga makabagong anak na nagbubuwis ng buhay, na ito ay mabago. Kung sisihan po ang nais ninyong ilahad sa pagpost po ninyo, baka po manisi din ang mga batang Ito at sabihing “Ano ba kasi ginawa ninyo noon bakit hindi kayo kumilos para sa pagbabago ng lipunan, bakit inabutan pa namin na ganito ang kaayusan ng lipunang Ito, na nagkakait sa mas nakararaming kabataan ng isang kinabukasang sagana, payapa, at may kalayaan! “

We Will Miss Her Deeply

The UP Manila University Student Council (USC) extends our deepest condolences to the family and friends of Josephine Anne Lapira. Her loss fills us with deep anguish and grief.

Though small in stature, Jo, as her friends fondly called her, was a giant of bravery, principles, and service. She was an advocate of women’s rights and possessed deep insight in the intersectionality of women’s struggles with that of other sectors.

Ms. Lapira served as the College of Arts and Sciences (CAS) Representative to the 38th USC. She was a hard working member of the Council, going out of her way to ensure the timely delivery of projects, services, and campaigns not just for students but the basic sectors as well.

Up to the present, the student body holds her in high regard. Jo lived up to the ideals of the Oblation: offering of oneself to the Filipino people, to the underserved.

We will miss her dearly.

Para Sa Mabuting Anak

(para kay Jo Lapira at sa lahat ng mga kasamang napaslang)

Ipinagluluksa kita, anak, ipinagluluksa kita.
Ipinagluluksa’t ikinararangal,
pagkat mabuting supling ng bayan.

Inihahabilin kita kay Mebuyan, diyosa ng mga Bagobo,
diyosang maraming suso,
tagapagkalinga ng mga sanggol
na sa gatas ay gutom.
Inihahabilin kita, anak, pagkat sa maaga mong pagyao,
nais kong may ina rin na maghahatid sa iyo
sa dako pa roon, may tatanggap
sa katawan mong duguan, at may itim na ilog na maghuhugas,
sa iyong mga sugat.

Ipinagluluksa kita, anak, ipinagluluksa kita.
Ipinagluluksa’t hinahangaan,
ang iyong husay, ang iyong tapang.
Ang prinsipyong buong-buo mong niyapos,
Ang buhay na inihandog, sa lubos-lubusang paglilingkod.

Sa gitna ng hinagpis, sa ibang bahagi ng mito ako bumabalik.
Si Mebuyan, nagngangalit.
Niyuyugyog niya ang puno, hanggang ang mga bunga
ay mahulog sa lupa.
Itinuturo nito sa ating lahat,
na ano man ang ibanta ng pasista,
ano man sa atin ang ibansag o isumbat,
Hindi tayo kailaman, kailanman maduduwag.

Ipinagtitirik ka namin, naming lahat ng kandila,
at inuulit-ulit ang iyong ngalan at aming pagpugay
sapagkat walang kasama na nabubuwal nang mag-isa.
Anak ka na hindi ako ang nagluwal,
Ngunit wala sa dugo ang pagkamagulang.
Higit pa sa tali sa pusod ang sa atin ay nagbibigkis.
Supling kita, mahal kong kasama’t, kapanalig.
pagkat naging katuwang, sa ating himagsik.

Joi Barrios-Leblanc, BAYAN Women’s Desk
Ika-7 ng Disyembre, 2017