Alex Arias

Alex Arias

Free ALL Political Prisoners
December 10, 2018

It is with grief that we announce the passing of peasant leader and political prisoner Alex Arias, 63, today at around 7:30pm at the Rizal Medical Center in Pasig City. Ka Alex, former chairperson of the Pagkakaisa’t Lakas ng Magsasaka sa Laguna (PUMALAG), an organization of farmers in Laguna, died due to a heart attack. He had hypertension and diabetes mellitus type 2.

Arias was arbitrarily arrested on trumped up charges of murder and kidnapping in April 2012. He is the 3rd political prisoner who died under the Duterte administration. On November 28, 2016, peasant leader Bernabe Ocasla died of cardiac arrest. He was afflicted with hypertension and rheumatic heart disease while in prison. On September 12, 2017, 74-year old Marcos Aggalao, who was suffering from pneumonia, dementia and hypertension, died at the Kalinga Provincial Hospital.

At least twelve (12) other political prisoners, including peace consultant Eduardo Serrano, died during the Noynoy Aquino regime.

Human rights groups have been campaigning for the release of Arias and the 120 sickly political prisoners on just and humanitarian grounds, but such pleas have been rejected by the Duterte administration.

Such stance by the Duterte administration is in stark contrast to its special treatment of convicted plunderer Imelda Marcos, as well as other high government officials who have been released despite their crimes against the Filipino people.

Free all political prisoners!
Stop the attacks!

Alex Arias

Alex Arias with his lawyers

Arias, with yellow shirt, in the middle. Taken during a hearing on his case last December 3, 2018

Sa Morgue ko na inabot si Ka Alex Arias. Pagpupugay at pasasalamat sa matapang, mapagbiro at kauna unahan kong kliyente. Mabigat palipasin ang gabing ito. At bagaman hindi mo na inabot ang iyong paglaya, wala ng posas na nakakabit sa iyo ngayon at mga rehas na namamagitan sa iyo at sa amin. Mananatili ka at patuloy kaming lalaban para mapalaya ang lahat ng bilanggong pulitikal.

— Maria Sol Taule

Parangal Kay Alex Arias

Political prisoners of Camp Bagong Diwa, Taguig pay tribute to fellow political prisoner ALEX ARIAS, 63, peasant leader and father of five who passed away on December 9, unable to glimpse even a shadow of freedom on the eve of International Human Rights Day because of trumped up criminal cases. He had been complaining of difficulty breathing after midnight. He was given some medication at the tiny clinic in MMDJ-4 and ordered back to his cell. It took 19 hours before he was finally moved to the Rizal Medical Center, Pasig where he was declared dead on arrival. He is the third political prisoner to die under the Duterte administration and the second political prisoner at Camp Bagong Diwa to die from a heart attack, another stark statistic of government inhuman treatment and a broken justice system while those who truly deserve jail time are given “humanitarian consideration” for advanced age and feigned illnesses, and ultimately go scot free. Yet Alex Arias’ death is “heavier than Banahaw and Sierra Madre” to the little people and social movement he had dedicated his whole life to his last breath.

PARANGAL KAY KASAMANG ALEX ARIAS
Mula sa mga Bilanggong Pulitikal ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City

Namamatay ang lahat ng tao, nag-iiba-iba lamang ang kabuluhan. Para kay Kasamang Alex Arias, ang kanyang kamatayan ay kasimbigat ng Banahaw at Sierra Madre ang kabuluhan.

Ang kanyang buong buhay hanggang sa huling hininga niya, ipinakita, ipinadama at itinanghal niya ang kanyang matatag na paninindigan at matayog na pananaw sa tagumpay ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba gayundin ang determinasyong makalaya para muling makasanib siya sa pangunahing agos ng pakikibaka. Buong panahon at lakas niya mula noong 1980 hanggang Disyembre 9, 2018 ay inilaan niya sa paglilingkod sa mga magsasaka, manggagawa at iba pang demokratikong uri at sektor.

Sino si Alex Arias?

Si Alex Arias ay isinilang sa Ilayang Bayucain, Majayjay na nasaklaw at naging bahagi ng Brgy. Tuy–Baanan, Liliw, Laguna. Siya ay 63 taong gulang, may naging asawa at limang anak na nasa maayos na katuyuan.

Mababang panggitnang magsasaka ang uri niya at uring pinagmulan. Ang kanyang magulang maging siya ay pagsasaka at pakikisama ang ikinabubuhay nang siya ay maugnayan noong 1980, na panahon ng paglalatag ng armadong pakikibaka o sonang gerilya.

Palibhasa’y danas ang kahirapan, ang pyudal at mala-pyudal na pagsasamantala ng panginoong maylupa, madali niyang niyakap at itinaguyod ang pambansa-demokratikong rebolusyon. Naging aktibong masang aktibista at lider masa sa lugar at nakatulong ng mga unang pangkat sa pagpapalawak na di-armado sa simula hanggang maging mga sandatahang pangkat propaganda at sandatahang yunit propaganda sa proseso. Nakatulong sa pagpapalawak sa kanyang barangay at sa mga karatig baryo ng Majayjay, Magdalena, Sta. Cruz at Nagcarlan.

Enero 1984, narekluta siya bilang kandidatong kasapi ng Partido at dahil sa kanyang mahusay at aktibong pagkilos, naging ganap na kasapi siya ng Disyembre 1984. Tumayo siyang Pangalawang Kalihim ng sangay ng Partido sa lokalidad.

Solido ang kanyang pundasyon sa ideolohiya, pulitika at organisasyon na naging puhunan niya para maging mahusay, matatag at nangungunang lider ng hayag na demokratikong kilusang magbubukid sa lokalidad, sa bansa, sa distrito, probinsya at sa pambansang antas.

Nanguna at naging lider siya ng Alyansang Magbubukid sa Ika-apat na Distrito ng Laguna (ALAMID). Tumayo siyang Pangalawang Kalihim nito. Itinayo noong huling bahagi ng 1984 o 1985 ang panlalawigang Peasant Alliance of Laguna (PALAG) na ang pangunahing lakas ay mula sa kanyang bayan at sa Sierra Madre (Kapisanan ng Magbubukid sa Sierra Madre o KMSM) at sa mga samahang magbubukid sa iba’t ibang asyenda sa Laguna.

Sa pagsulong ng armadong pakikibaka at rebolusyong agraryo sa Banahaw, nakasama at nanguna siya sa pagsulong ng pakikibaka para baguhin ang partihan, ang hunusan at sahod ng manggagawang bukid sa palayan. Noong 1985, naging 75–25 ang partihan, mula sa 50–50 hatian, naging ika-6 ang hunusan sa palay mula sa ika-9 at naitaas ang sahod ng manggagawang bukid. Pangunahin itong inilunsad sa kanilang baryo at iba pang karatig at lumaganap itong “parang apoy” sa mga karatig baryo ng Bungkol at Baanan sa Magdalena at Majayjay. Tuloy-tuloy ang pagsulong at sa panahon ng 1987, nasa kasiglahan ang kilusang magbubukid sa Banahaw na siya ang lider nito.

Sa naganap na pagkilos sa Mendiola noong Enero 22, 1987, pinakamarami ang mobilisasyon mula sa Banahaw at nag-ambag ito ng mga bayani sa Mendiola Massacre.

Sa panahon ding ito, naging spokesman siya ng magsasaka sa idinaos na dialogue sa Provincial Government sa panahon ng ceasefire negotiation ng 1987 na nagdala ng mga isyu at laban para sa tunay na reporma sa lupa at laban sa militarisasyon at paglabag sa karapatang pantao at iba pang isyu tulad ng coco levy.

Naging aktibong bahagi siya ng pagpupundar, pagpapalawak at pagpapalakas ng armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at baseng masa. Katulong siya sa pagpapalawak sa manggagawa, bangkero at iba pang uri at sektor sa lalawigan. Ang aktibo at palabang baseng masa ay nalikha din sa bahaging ito ng Laguna.

Sa panahon ng mga kahirapan at paghina ng pambansa-demokratikong kilusan sa Laguna lalo noong 1988–1989 at ng 2001–2010, isa siya sa matatag at tuloy-tuloy na kumilos sa legal na demokratikong kilusan bilang full-timer. Nang muling itayo ang lakas ng magbubukid sa Laguna, ang Pagkakaisa at Ugnayan ng Magbubukid sa Laguna (PUMALAG) na aktibong chapter ng KASAMA-TK at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa lalawigan, si Alex Arias ang nasa unahan at isa sa pinaka-aktibong lider nito.

Sa pag-iibayo ng pagsasamantala at pangangamkam ng mga lupaing agrikultural sa Laguna dahil sa proyektong CALABARZON noong 1990 ng rehimeng US-Aquino, pinangunahan niya ang paglalantad at paglaban dito at pinag-ibayo ang pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

Dinanas niya ang pasistang dahas nang makulong siya noong 1991–1992 sa panahon ng rehimeng US-Ramos dahil sa gawa-gawang kasong murder. Dinanas ng Laguna ang pinakamatinding opensiba ng mga panginoong maylupa, malalaking burgesya komprador at mga burukratang naghahari sa lalawigan at rehiyon sa pangunguna ng AFP mula noong 1999–2001 at ng mga kasunod na taon hanggang siya’y muling hulihin at ikulong noong Abril 7, 2012.

Naging national priority target ng OPLAN Makabayan ng rehimeng US-Estrada ang Laguna hanggang OPLAN Bayanihan ng rehimeng US-Aquino. Sa lahat ng pagsisikap na balikan ang kanyang lugar, ang Banahaw, para irekober at muling pasiglahin ang baseng masa, armadong pakikibaka at rebolusyong agraryo, susi ang kanyang ambag.

Muling tumampok ang kanyang ambag sa muling pagpapasigla sa Banahaw noong 2010 hanggang 2012. Ang kanyang ambag bilang lider-masa kahit siya ay may sakit at ng kanyang impluwensiya sa Banahaw, Sierra Madre at sa kilusang magbubukid sa Laguna at rehiyon ang dahilan kung bakit siya muling ipiniit ng kaaway sa gawa-gawang kaso.

Sa pitong taon niyang pagka-detine sa Camp Bagong Diwa, patuloy na ipinakita niya ang kanyang katatagan, ang pag-aambag ng kaya niya, at optimismong inspirasyon ng mga lider at masa na sa labas ng maliit na bilangguan pero nakakulong din sa bilangguan ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan.

Ang pagiging masigla, mapagkasama ay tampok sa kanyang katangian. Sinikap niyang magpalakas, labanan ang karamdaman at nanguna rin siya sa mga isinulong na laban para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal at kagalingan at karapatang pantao ng mga bilanggo.

Mabuhay ang alaala ni Kasamang Alex Arias!

Malu Maniquis